Balik-Maynila na ang labi ng 2 Special Action Force o SAF Troopers na nasawi sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng Pamahalaan at ng New People’s Army o NPA sa Gamay, Northern Samar.
Personal na sinalubong ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos ang labi ng nila Patrolman Franklin Marquez at Jimmy Caraggayan sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Kasunod nito, binigyan ng Medalya ng Kadakilaan ni Carlos ang pamilya ng dalawang nasawing SAF Trooper at iginawad din sa kanila ang tulong pinansyal mula sa hanay ng PNP.
Nitong araw ng Linggo, Nobyembre 21, binisita ni Carlos ang 4 na sugatang SAF Troopers sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City sa Leyte.
Ginawaran niya ang mga ito ng medalya ng Sugatang Magiting at binigyan din ng tulong pinansyal para sa agaran nilang paggaling.