Isinilang kasabay ng pagpapalit ng taon ang dalawang malulusog na batang babae sa Doctor Jose Fabella Memorial Hospital.
Ayon sa ulat, alas 12:00 ng ipanganak ni Mommy Mellany Soriano ang baby girl na si Natalie Merey.
Habang dalawang minuto lang ang pagitan ng masilayan ni Baby Ashley ang mundo nang ipinanganak ito ni Mommy Jennilyn Musca.
Salaysay ni Soriano na napawi ang kanyang paghihirap sa panganganak ng kanyang masilayan si Baby Natalie.
Hindi naman inaasahan ni Musca ang paglabas ni Baby Ashley dahil sa January 10 pa ang due date nito.
Sa tala naman ng Fabella Hospital mas mababa ang bilang ng New Year Baby ngayong 2023 na kanilang naitala kumpara sa mga nakalipas na taon.