Nanganganib na lalong tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa world market sa mga susunod pang araw.
Ito’y makaraang ipatigil pansamantala ng kumpanyang Aramco ng Saudi Arabia ang kanilang oil shipment na idinaraan sa Bab El-Mandeb Strait na bahagi ng Red Sea.
Huwebes nang pataaman ng missile ng mga Yemeni Houthi rebel ang dalawang oil tanker ng Saudi national shipping company na kargado ng dalawang milyong bariles ng langis mula Aramco na pinakamalaking oil and gas company sa mundo.
Ang Bab El-Mandeb Strait na nasa pagitan ng bansang Yemen, Djibouti at Eritrea sa bahagi naman ng Africa ang nagdurugtong sa Red at Arabian seas sa pamamagitan ng Gulf of Aden ang isa sa pangunahing waterway para sa crude oil at iba pang petroleum products.
Samantala, namemeligro ring ipasara ng Iran ang Strait of Hormuz na daanan naman ng mga oil tanker mula UAE, Kuwait, Bahran at Qatar papasok at palabas ng Persian Gulf.
—-