Nagtalaga ng dalawang bagong board members ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA si Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa ipinalabas na appointment papers ng Malacañang, itinalaga ng Pangulo si Rolando Ampunin bilang kapalit ni dating SBMA Board Member at kolumnistang si Benny Antiporda na una nang inappoint bilang Environment Undersecretary.
Kasama ring itinalaga si dating Lanao del Sur Representative Benasong Macarambon Jr. na magsisilbing SBMA Director hanggang Setyembre 22 ng taong 2022.
Sina Ampunin at Macarambon ay magsisilbing kinatawan ng pamahalaan at business and investment sector sa SBMA Board.
—-