Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang dalawang self-administered COVID-19 antigen test kits.
Kinumpirma ni FDA Officer-In-Charge Oscar Gutierrez kay Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga aprubadong test kits ay mula sa Abbott at Labnovation Technologies.
Ayon kay Gutierrez, kapwa mayroon ng special certification mula sa FDA Ang mga nasabing test kit.
Kabuuan anyang 86 na antigen test kits ang inalis sa merkado makaraang mabigong pumasa sa performance validation ng research institute for tropical medicine at standard ng FDA.