Dalawang senador, mga pulitiko at matataas na opisyal ng gobyerno gayundin ng Pambansang Pulisya ang itinuturong protektor ng iligal na droga sa bansa.
Ito ang nakapaloob sa 38-pahinang affidavit o salaysay ng itinuturing na bigtime drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.
Gayunman, sinabi ng mga abogado ni Kerwin na sina Atty. John Ungab at Atty. Lannie Villarino na hindi pa nalalagdaan ng kanilang kliyente ang ginawa nitong judicial affidavit.
Hindi rin makumpirma kung kasama ang pangalan ni Senadora Leila de Lima na una nang naghayag ng kumpiyansa na idiriin siya ng batang Espinosa bilang bahagi umano ng panggigipit sa kanya ng administrasyong Duterte.
By Jaymark Dagala