Dalawa (2) pang senador ang nagpahayag ng pagtutol sa muling pagpapaliban ng Barangay at SK o Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagdaraos ng nasabing halalan ngayong taon.
Sinabi naman ni Senator Kiko Pangilinan na hindi tamang muli pang mapagkaitan ng karapatan ang taumbayan na makapamili at makapag-halal ng gusto nilang pinuno sa kanilang barangay.
Una rito ay nagsumite na si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto ng panukalang nagsusulong sa muling pagpapaliban ng Barangay at SK Elections na sisimulan pang talakayin sa pagbabalik ng sesyon.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno
2 senador nagpahayag ng pagtutol sa muling pagpapaliban ng Barangay at SK Elections was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882