Hinimok nina Senador Ralph Recto at Chiz Escudero, ang kinauukulan na maglabas ng ebidensya hinggil sa umanoy alternative truth hinggil sa Mamasapano encounter na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force.
Ayon kay Recto, kapag hindi napatunayan ang bagong impormasyon, tiyak na ito ay pinalutang lamang para sirain ang pagkatao at ang kabayanihan ng mga SAF na nagbuwis ng kanilang buhay.
Iginiit din ni Escudero na hindi siya papayag na muling buksan ang pagdinig sa Mamasapano hanggat walang konkretong ebidensya na susuporta sa bagong impormasyon.
By: Katrina Valle