Welcome sa dalawang Senador ang appointment ni Anti-Mining Advocate Gina Lopez bilang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.
Ayon kay Senador Bam Aquino, akma kay Lopez ang naturang posisyon dahil batid nito ang ugat ng mga problema sa kalikasan at ano ang posibleng solusyon para mapangalagaan ang kalikasan at kapaligiran.
Matagal na aniyang advocacy ni Lopez ang ipaglaban ang kalikasan kaya’t tiyak na epektibo nitong magagampanan ang tungkulin bilang Denr Secretary.
Iginiit naman ni Senador JV Ejercito na si Lopez ay kilalang environmentalist kaya’t inaasahan na mahusay nitong maisusulong ang pangangalaga sa kapaligiran.
Tiwala si Ejercito na walang katiwaliang mangyayari sa pamumuno nito lalo pa’t mula si Lopez sa may kayang pamilya.
by: Meann Tanbio