Inihayag ng Yale University, Ministry of Health ng Dominican Republic at iba pang institusyon na mas mababa ang immune response ng dalawang dose ng Sinovac vaccine kung susundan ng booster shot ng Pfizer-Biontech laban sa Omicron variant.
Base sa pag-aaral, lumalabas na hindi gaanong ka-epektibo ang pinagsamang bakuna ng Sinovac at Pfizer dahil mas mababa ng 6.3-fold ang antibody levels nito laban sa Omicron kung ikukumpara sa ibang strains ng COVID-19 kabilang na ang Delta variant.
Nabatid na ang Coronavac recipients ay kailanganin pa ng dalawang karagdagang booster doses upang makamit ang protective levels laban sa Omicron. —sa panulat ni Angelica Doctolero