Tuluyan nang ipina-deport ng Singapore ang dalawang South Korean journalist na una nang inaresto dahil sa pagpupumilit na pumasok sa tinutuluyan ng ambassador ng North Korea sa nasabing bansa.
Ayon kay Singapore Law and Home Affairs Minister K Shanmugam, saan mang bansa ay hindi tamang pinapasok ng sinuman ang tahanan ng isang ambassador kaya nagpasiya silang paalisin na ang dalawang journalist.
Nabatid na ang dalawang lalaking journalist ay mula sa KBS o Korean Broadcasting System News at wala ring nakuhang accreditation bilang mga media personnel mula sa pamahalaan ng Singapore.
Samantala, isang pang mamamahayag mula KBS at kasama nitong interpreter ang isinasailalim din sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa Singapore.
—-