Ninakaw ang dalawang solar panels ng PHIVOLCS sa Mayon Resthouse station nito.
Sinabi ng PHIVOLCS na sa Mayon Resthouse station matatagpuan ang mga instrumento nila sa pagmonitor sa aktibidad ng Bulkang Mayon.
Nadiskubre ang pagkawala ng dalawang solar panels nang magsagawa ng routine inspection ang kanilang Mayon Volcano Observatory personnel.
Dahil sa pagkawala ng solar panels, nawalan din ng supply ng kuryente sa Mayon Resthouse station –kayat naapektuhan din ang pagtransmit ng data hinggil sa aktibidad ng Bulkang Mayon.