Dapat na mayroong dalawang nagtatrabaho o dalawang sources of income ang isang pamilya na mayroong limang miyembro.
Ito’y ayon kay POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III, kung hindi maaabot ang P12,030 kada buwan na kailangan ng isang pamilya upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Partikular na tinukoy nito ang mga nagtatrabaho sa labas ng NCR o kumikita ng mas mababa sa minimum wage na mahigit sa P500.
Sinabi pa ni Perez na hindi na sasapat kung isa lang ang may trabaho sa isang pamilya dahil na rin sa economic situation ng bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority, pumalo sa 19.99 milyong indibidwal o 3.5 milyong mga pamilya ang mahirap noong 2021.