Puwersahang kinontrol ng US authorities ang website ng dalawang state controlled news groups sa Iran gayundin ang Al Masirah TT channel ng huthis ng Yemen.
Nabatid na bubulaga sa isang pahina pagbukas ng mga website ng press TV at al-alam ang advisory na nakontrol na ito ng us government at naka bando na rito ang selyo ng FBI at ng US department of commerce.
Ayon sa Islamic Republic of Iran Broadcasting (IRIB), ang parent station ng AL-Alam kinontrol din ng US government ang iba pang web domains kabilang ang Palestine-Al Youm, Palestinian directed broadcaster at isang Arabic language and cultural channel.
Binigyang diin ng IRIB na malinaw na kino kontrol ng Amerika ang kanilang freedom of expression at nakikipag sanib puwersa pa sa Israel at Saudi Arabia para pigilan ang mga media outlet na ibunyag ang mga krimen at karahasang ginagawa ng mga ito sa rehiyon.
Tumanggi naman si Ned Price, spokesman ng US state department na mag komento sa isyu at itinuro ang justice department nito para magbigay ng mga impormasyon hinggil dito.