Nagtamo ng sugat ang 46 na taong gulang na babae at tiyuhing 69 taong gulang, matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Parañaque City, Sabado ng umaga.
Batay sa Parañaque Police, bumili pa sa tindahan ng biktima ang suspek bago magpaputok ng baril.
Tumakas ang suspek papuntang Quirino Avenue sakay ng isang motorsiklo.
Sa ngayon nagpapagaling pa sa ospital ang mga biktima.
Iniimbestigahan naman ng Parañaque Police ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo nito. - sa panunulat ni Maze Aliño- Dayundayon