Sugatan ang dalawang menor de edad nang bumaliktad ang sinasakyang motorsiklo makaraang umiwas sa COMELEC o Commission on Election checkpoint sa highway ng Barangay Ayala sa Zamboanga, kagabi.
Ayon sa mga awtoridad, iniwasan ng dalawang lalaki ang checkpoint at pinaharurot ang sinasakyang motorsiklo dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho nito.
Natuklasang walang lisensya ang mga ito kaya’t takot na dumaan sa naturang checkpoint.
Muli namang nagpaalala ang pulisya sa mga magulang na gabayan ang mga anak lalo na ang mga menor de edad at kung maaari’y huwag payagang lumabas ng gabi kasama ang mga barkada.