Sugatan ang dalawang katao matapos matumba ang isang poste ng kuryente sa Tondo sa Maynila kahapon.
Ayon sa Manila Police District (MPD), dakong alas-2:30 ng hapon naganap ang insidente sa corner ng F. Varona at Kapulungan Street sa Barangay 82.
Kinilala ang mga nasugatan na sina; Eliseo Jaenar Dimasangal, 74- anyos na tinamaan sa ulo at si Julius Carlo Mendiola, 23- anyos na tinamaan naman sa kaniyang hita.
Tatlong tricycle rin at isang motor ang natamaan ng bumagsak ng poste.
Nagdulot naman ng kawalan ng kuryente sa lugar ang nangyari.