Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang sumukong preso na napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, ang isa dito ay nagmula sa Metro Manila at isa ay galing naman sa lalawigan ng Cebu.
Hawak na rin aniya ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) ang iba pang sumukong convicts.
Dagdag pa ni Banac, hiwa-hiwalay ang pagsuko kaya magsasagawa pa aniya sila ng consolidation.
Binigyan na rin aniya nila ng direktiba ang lahat ng police stations sa bansa hinggil sa mga nais sumuko.
Ang mga ito [mga sumukong heinous crime convicts na napalaysa sa ilalim ng GCTA law] ay ituturn over sa CIDG na siyang may primary task na maghandle ng lahat ng mga sumusuko. Pagkatapos nito ay itatransport sila sa Bureau of Correction para doon magkaroon ng registration at maghintay pa ng karagdagang mga instructions,” ani Banac.
Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng mga presong napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, kulang pa ang impormasyon na nakalagay sa listahan.
Aniya, pangalan at specific status pa lamang ang nakalagay sa naturang listahan.
Kailangan pa nilang makuha ang last known address at iba pang impormasyon ng mga ito.
Sa ngayon ay binabalangkas pa lamang ng Department of Justice (DOJ) ang proseso na gagawin sa mga sumusukong preso.
(Ratsada Balita Interview)