Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga naaresto dahil sa indiscriminate firing o pagpapaputok ng baril, dalawang araw bago tuluyang magpalit ang taon.
Ayon kay PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac (as of 6am), nagmula ang mga naaresto sa regions 1, 2, 4A, 5, 6, 8, 9, 10, 11, 13, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at NCR.
Pinakamaraming naaresto sa NCR na may tatlo habang tig-dalawa naman sa Region 4A, 5, 10, 11, 12 at BARMM kung saan –dalawa rito ang sundalo mula sa BARMM, dalawang security guard mula sa Region 11 at isa ang pulis mula sa Region 13.
Bunsod nito, nasa pito na ang bilang ng nasugatan dahil sa pagpapaputok ng baril kung saan – lima rito ay mula sa BARMM habang ang natitirang dalawa pa ay mula naman sa NCR.
Habang tatlo ang tinamaan ng ligaw na bala kung saan –dalawa ay mula sa Region 13 habang isa naman ang nagmula sa NCR.