Patay ang dalawang sundalo habang pitong iba pa ang sugatan matapos maka-engkwentro ang mga miyembro ng NPA o New People’s Army sa Sorsogon, 5:30 ng madaling araw ng Lunes.
Batay sa impormasyon ng Kampo Aguinaldo, nasabugan ng land mine ang mga tropa ng Alpha Company ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ito ay habang nakikipagbarilan sa mga rebelde sa Barangay Casili Gubat.
Tumagal ng kalahating oras ang bakbakan bago mapa-atras ang mga kalaban at magpulasan.
Hindi pa naman matiyak ngayon kung may napatay sa hanay ng mga komunistang rebeldeng grupo.