Patay ang dalawang (2) sundalo at sugatan ang anim (6) na iba pa sa bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at NPA o New People’s Army sa Davao City.
Ayon kay Major General Noel Clement, commander ng 10th Infantry Division, kaagad rumesponde ang mga tauhan ng Eastern Mindanao Command sa Sitio Bajada sa Paquibato District matapos makatanggap ng report hinggil sa presensya ng mga armadong kalalakihan sa lugar nang magpaputok sa mga sundalo.
Umatras naman ang mga rebelde nang sumugod ang mga sundalo na nakakuha ng M653 colt rifle at isang magazine, dalawang (2) jungle bags, electric wire at iba pang personal na gamit.
Hindi pa tinukoy ni Clement ang identity ng mga sundalo dahil hindi pa nasasabihan ang pamilya ng mga ito.
By Judith Larino