Dalawang (2) sundalo ang nasawi habang sugatan ang isa pa matapos masabugan ng land mine sa bayan ng sumisip sa Basilan.
Ayon kay Captain Roy Vincent Trinidad, Chief of Staff ng Naval Forces Western Mindanao, nagpapatrolya ang mga sundalo nang sumambulat ang naturang pampasabog sa barangay Sapah Bulak na sinasabing lugar ng Abu Sayyaf Group.
Dinala na sa Zamboanga City ang labi ng mga hindi pinangalanang kawal.
By Jelbert Perdez