Patay ang dalawang sundalo habang sugatan ang dalawang iba pa matapos na tambangan sa Datu Saibo, Maguindanao.
Kinilala ang mga nasawi na sina Private First Class Junard Estribor At Private Nelier Jhan Pinto na miyembro ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Sugatan din sa Pananambang Ang isang sundalo habang nahagip ng ligaw na bala ang isang sibilyan.
Agad namang nakatakas ang mga salarin sakay ng isang kotse.