Patay ang 2 sundalo habang sugatan ang 24 na iba pa matapos pasabugin ng mga rebeldeng Kurdish ang isang sasakyang naglalaman ng mga pampasabog malapit sa military police station sa eastern Turkey.
Gumamit ng dalawang toneladang pampasabog ang mga militanteng Kurdistan Workers’ Party o PKK sa pag-atake sa estasyon ng pulis malapit sa highway sa bayan ng Dogubayazit, isang agricultural province malapit sa border ng Turkey at Iran.
Ayon sa pahayag ng tanggapan ng regional governor, labis na nasira ng malakas na pagsabog ang mga gusali.
Kasalukuyang nasa pagamutan ang mga sugatang sundalo subalit wala pang balita hinggil sa kanilang kalagayan.
By Mariboy Ysibido