Kinondena ng Philippine Army ang pananambang ng mga umano’y miyembro ng teroristang grupo na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang sundalo sa Cauayan, Negros Occidental.
Kinilala ang mga nasawi na sina Pfc. Alaster Balboa ng Zamboanga City at Cpl. Jhoem Meguillo ng Midsayap, North Cotabato.
Giit ni Maj. Cenon Pancito III, Public Affairs Chief ng 3rd Infantry Division, ang pananambang ng mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA sa mga tropa ng pamahalaan ay isang uri ng pagpapaktia ng karuwagan.
Hindi aniya matitinag ang kanilang hanay sa panggugulo at mararahas na aksiyon ng mga komunista.