Dalawang sundalo ang sugatan sa ipinatupad na humanitarian ceasefire sa Marawi City noong linggo.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, nilabag ng mga terorista ang ceasefire kung saan sugatan ang dalawa sa mga sundalo na nagsilbing escort sa mga inililikas sa lungsod.
Ipinabatid naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nagresulta ng apat na oras na humanitarian ceasefire ng pagkakalikas sa 179 na sibilyan habang 95 naman sa na-rescue sa bahagi ng Dansalan.
Ipinatupad ang 4-hour humanitarian ceasefire sa Marawi mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas dose ng 12:00 tanghali ng linggo sa pangunguna ni Government Implementing Peace Panel Chairperson Irene Santiago.
By: Meann Tanbio