Matagumpay na nakapaghatid ng mga pagkain at iba pang kagamitan ang 2 supply ship ng Pilipinas sa nabahurang BRP Sierra Madre sa bahagi ng Ayungin Shoal na sakop ng West Philippine Sea.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, ganap na alas onse kaninang umaga nang makarating ang mga supply boats sa barko ng Philippine Navy.
Sinabi ng Kalihim, tila tinupad naman ng China ang pangako nito sa kanniya na hindi na nila gagambalain pa ang mga aktibidad ng Pilipinas lalo’t nasa loob iyon ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
Gayunman, may isa aniyang Chinese Coast Guard vessel ang nagpadala ng rubber boat lulan ang tatlong tauhan nito malapit sa BRP Sierra Madre upang idokumento ang re-supply mission ng mga tauhan ng Navy sa pamamagitan ng pagkuha ng retato at video.
Dahil dito, nakipag-ugnayan si Lorenzana kay Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xi Lian para kundenahin ang ginawang iyon ng kanilang mga tauhan na isa aniyang malinaw na pananakot at harassment. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)