Inaresto ng awtoridad ang dalawang suspek matapos ang magkahiwalay na buy bust operation sa bayan ng Tiaong, Quezon.
Kinilala ang mga suspek na sina may Naredo, 28-anyos na isang high-value target at umano’y miyembro ng isang drug group, at si Venson Luna, 28-anyos na kabilang sa police watchlist ng nasabing lugar.
Nasamsam ng awtoridad mula kay Naredo ang 7 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 15.34 grams at may street value na 312,936 pesos.
Nasamsam din mula kay Luna ang 4 na sachet ng nasabing ilegal na droga na may bigat na 5.28 grams at nagkakahalaga ng 107,712 pesos.
Nahaharap naman ang mga nasabing suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—sa panulat ni Airiam Sancho