Arestado ng Quezon City Police District ang dalawang suspek matapos ang ginawang pangloloko sa may-ari ng isang mini-grocery store sa Quezon City.
Ayon sa biktima, nag-offer ang mga suspek ng murang grocery supply items para sa kaniyang tindahan na nagkakahalaga ng mahigit 100,000 piso.
Nang matapos ang pakikipagtransaksiyon ng biktima sa mga suspek ay dito na napag-alaman na ang iba sa mga kahon ay wala umanong laman habang ang ibang items naman ay hindi umano kasama sa inorder ng biktima.
Dito na nagsumbong ang biktima sa mga otoridad kung saan, agad na naaresto ang mga suspek matapos makuhanan sa isang CCTV sa nabanggit na lugar.
Dahil dito, nagpaalala ang mga otoridad na mas mainam parin kung bumili nalang sa lehitimong groceries upang maiwasan ang insidente ng panloloko. —sa panulat ni Angelica Doctolero