Patay ang dalawang suspek sa pagnanakaw matapos manlaban sa mga pulis sa Quezon City.
Ayon sa mga otoridad, agad silang rumesponde matapos magsumbong ang isang babaeng biktima ng panghohold-up.
Base sa impormasyon, pinaputukan umano ng mga suspek ang mga pulis na rumesponde dahilan para gumanti ang mga otoridad.
Dito na napatay ang dalawang suspek at narekober ang ilang armas at bala ng baril kasama ng 18 pakete ng hinihinalang shabu.
Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga nasawing suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero