Arestado ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station ang dalawang suspek sa iligal na droga na kinilalang sina Richard Cenon Alyas “Empoy”, 46-anyos at Emar Villanueva, 44-anyos.
Ayon kay Caloocan City Police Chief Samuel Mina Jr., inaresto ang mga suspek matapos maaktuhang walang suot na facemask sa lungsod na tinangka pang tumakas pero mabilis na nakorner ng mga pulis.
Dito na kinapkapan ang mga suspek at nakuha ang anim na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit labing walong gramo ng shabuat nagkakahalaga ng mahigit isang milyong halaga ng shabu.
Paglabag sa Article 151 of RPC o Resistance and Disobedience to a Person in Authority at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong kakaharapin ng mga inarestong suspek.—sa panulat ni Angelica Doctolero