Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang dalawang suspek sa pambubugbog sa tauhan ng MMDA.
Hindi naman inilabas pa ng Pasay City Police ang pangalan ng mga suspek na boluntaryong sumuko matapos masangkot sa nasabing pambubugbog kasama ang anim na iba pa.
Hinimok ng mga otoridad ang iba pang sangkot sa insidente na sumuko na rin at managot sa insidente.