Nakatakda nang kasuhan bukas, Oktubre 12 ang dalawa sa mga suspek sa pagdukot sa isang Italian national na kinidnap mula mismo sa kanyang Pizza Restaurant noong nakaraang Miyerkules sa Dipolog city.
Ayon kay Zamboanga Del Norte Police Provincial Office Spokesperson, Police Senior Inspector Ryan Hernandez, 2 sa mga natukoy na suspek nay mayroon nang standing warrant of arrest dahil sa ibat ibang kaso.
Tumanggi naman ang opisyal na pangalanan ang mga suspek at ang grupong kinabibilangan ng mga ito dahil patuloy pa sa pagkalap ng ebidensya ang mga imbestigador ng cidg.
Natukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek base na rin sa kuha ng CCTV sa pinangyarihan ng insidente.
Samantala, may lead na rin ang PNP Zamboanga Del Norte kung saan posibleng itinago ang italyanong si Rolando Del Torchio.
By: Jonathan Andal