Patay ang dalawang suspek sa pananambang sa babaeng piskal sa Calapan, Oriental Mindoro.
Ang mga nasabing suspek ang namaril kay Prosecutor Josephine Olivar habang sakay ito ng kaniyang sasakyan noong June 10.
Sa isinagawang follow up operations ng mga otoridad, natutonton ang mga suspek sa Barangay Sapul.
Pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis nang dumating ang mga ito sa lugar kayat gumanti rin ng putok ang mga otoridad na ikinasawi ng dalawang suspek.
(with report from Jaymark Dagala)