Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang dalawang tanggapan ng pambansang pulisya para magsagawa ng imbestigasyon.
Ito ay kaugnay ng umano’y pagkakasangkot, ng mga Special Action Force (SAF) Commandos na nagbabantay sa NBP o New Bilibid Prison sa panunumbalik ng illegal drug trade doon.
Ayon kay Dela Rosa, ang Directorate for Investigation and Detective Management ang magsasagawa ng pormal na pagsisiyasat habang ang Directorate for Intelligence ay sa counter intelligence.
Ito, aniya ay para maging mabilis ang magiging resulta ng imbestigasyon at makuha ang lahat ng detalye sa usapin.
Nakatakda naman makipagkita si Dela Rosa kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre para pag-usapan ang mga alegasyon laban sa PNP – SAF.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal