Nagpositibo sa paraffin test ang dalawang (2) barangay tanod na sangkot sa pamamaril sa Mandaluyong noong Huwebes, Disyembre 28, ng gabi na ikinamatay ng dalawa (2) katao.
Kinilala ang dalawang sumukong barangay tanod na sina Ernesto Fajardo at William Duron.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde, base sa initial report ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory nagpositbo ang dalawang tanod sa paraffin test bagamat iginiit nang ilang tauhan ng Barangay Addition Hills na hindi sila kailanman inisyuhan ng baril.
Pinaghahahanap naman ng mga otoridad ang isa pang barangay tanod na si Gilberto Gulpo habang patuloy ang imbestigasyon kung bakit may mga baril ang naturang mga tanod.
As of this time hindi pa rin nagsu-surrender ‘yung isang barangay tanod, ‘yung dalawa pa lang po ang nag-surrender at nag-positive sila based dun sa initial report ng SOCO.
Samantala, hindi pa natutukoy ang unang namaril sa biktimang babae bagamat nasa pangangalaga na ng otoridad ang grupo na nakaalitan nito.
Hindi po matukoy talaga kung sino ‘yung bumaril dahil wala pong makapagturo pero po ‘yung nakaalitan nila ay nasa kustodiya po ng pulis natin, ‘yung apat (4).