Inaasahang aabutin pa ng dalawang taon bago mabakunahan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lahat ng mga mamamayan.
Ito ang pagtaya ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, country representative ng World Health Organization (WHO).
Gayunman, binalaan ng WHO official ang mundo na kahit may bakuna na ay hindi pa rin maaaring maging kampante dahil andyan pa rin ang virus at tuluy-tuloy ang transmission.
Patuloy na ipinapaalala ng opisyal ang mahigpit na pagsunod sa health protocols lalo na ang physical distancing measures para maiwasan ang susunod na mutations ng bagong variant ng virus.