Hihilingin ng susunod na administrasyon sa kongreso na mabigyan ng emergency powers si incoming president Rodrigo Duterte para maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay incoming DOTC secretary Arthur Tugade, isusulong nila ang emergency powers na tatagal ng dalawang taon.
Sinabi ni Tugade na kailangan nang mag deklara ng krisis sa trapiko na pinatunayan din ng pag-aaral ng JICA o Japan International Cooperation Agency na nagsasabing bilyun bilyong piso ang nawawala dahil sa matinding trapiko.
By: Judith Larino