Isinusulong sa Kamara na palawigin hanggang 2 taon ang “probationary employment period” mula sa kasalukuyang 6 na buwan.
Layon ng House Bill 4802 na amyendahan ang labor code of the Philippines.
Ayon kay Probinsyano Ako Partylist Rep. Jose Singson Jr., naghain ng nasabing panukala, hindi sapat ang 6 na buwan para malaman ng employer kung kwalipikado talaga ang isang probationary employee para maging regular.
Dahil din aniya sa 6 na buwang probationary period kaya’t napipilitang tanggalin agad ng mga employer ang mga probationary employees kaysa magtyaga o masakripisyo ang kumpanya sa mga sub-standard employee.