Dalawang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang sinibak sa kanilang trabaho makaraang masangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Ito ang kinumpirma ni PDEA Dir/Gen. Isidro Lapeña makaraan ang isinagawa nilang malalimang imbestigasyon sa impormasyong kanilang natanggap.
Ayon kay Lapeña, isang direktor mula sa Region 6 at isang agent naman mula sa Region 4 a ang kanilang sinibak sa tungkulin.
Gayunman, tumanggi na si Lapeña na pangalanan pa ang mga tauhan niyang sangkot umano sa pagre-recycle ng mga nasasabat na iligal na droga.
Una rito, isiniwalat na ni dating PDEA Director Dionisio Santiago na may isang regional director ng PDEA ang operator umano ng ipinagbabawal na gamot sa kaniyang nasasakupan.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal (Patrol 31)