Pinag-aaralan na ng Department of Justice o DOJ na pag-isahin ang ang dalawang (2) tax evasion cases na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa Mighty Corporation, ang gumagawa ng pinaka-murang sigarilyo sa bansa.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kinukunsidera nyang ibigay na sa iisang panel of prosecutors ang dalawang kaso dahil halos pareho lamang naman ang mga ito.
Ang unang kaso laban sa Mighty Corporation ay nagkakahalaga ng mahigit sa syam at kalahating bilyong piso samantalang halos dalawamput pitong (27) bilyon naman ang ikalawang kaso ng tax evasion case.
Samantala, sinabi ni Aguirre na bukas sila na pumasok na lamang sa compromise agreement sa Mighty Corporation.
Napag-usapan anya sa pulong ng gabinete na matatagalan pa bago matapos ang kaso ng Mighty Corporation gayung kung papasok sila sa kasunduan ay puwede na itong magamit na pondo ng pamahalaan.
By Len Aguirre |With Report from Aya Yupangco