Nakatakdang aprubahan ng Kamara ngayong linggo ang dalawang tax packages ng gobyerno.
Kabilang dito ang panukalang CITIRA o ang Corporate Income Tax and Incentive Rationalization Act na bahagi ng comprehensive tax reform program at PIFITA o Passive Income and Financial Intermediary Taxation Reform Act.
Ayon kay House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, layon ng PIFITA na ipaliwanag ang taxation ng financial sector para maging simple, patas, efficient at regionally competitive.
Nakalagay din aniya sa PIFITA ang package 4 ng CTRP, pagre review sa buwis na ipinatutupad ng financial intermediaries at mga produktong kanilang iniaalok, pagdating sa savings at investments, debt at equity instruments.
Hiniling naman ni Salceda sa cabinet members na ayusin ng kanilang mga isyu kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpasa ng CITIRA.