Kinumpirma ng Department of Justice o DOJ na may dalawa nang testigo ang lumapit sa kanila para magbigay ng impormasyon hinggil sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, isang hindi miyembro ng Aegis Juris Fraternity ang nagtungo sa DOJ at nakipag-usap sa kanya para sabihing may nalalaman ito sa pagkamatay ni Castillo.
Ang isa naman aniya ay miyembro Aegis Juris na nakipag-ugnayan naman sa pamamagitan ng text at sinasabing nakahanda rin siyang tumestigo sa kaso.
Hindi naman pinangalanan ni Aguirre ang dalawang testigo para na rin sa kanilang seguridad.
Kanina, nagbukas ang DOJ ng hotline para sa mga testigong nais makipagtulungan sa imbestigasyon ng kaso ni Castillo.
Tiniyak din ni Aguirre na bibigyan nila ng proteksyon sa ilalim ng Witness Protection Program o WPP ang mga lulutang at magsasabi ng nalalaman sa nasabing kaso.
(Ulat ni Bert Mozo)