Patay sa pamamaril ng riding-in-tandem ang dalawang Tinapa vendor sa North Cotabato.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Pepito Sobrepeña, 57-anyos at ang Store helper nito na si Juner Alconera, 26-anyos.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagbabantay ang dalawa sa kanilang tindahan sa tabi ng kalsada sa Bayan ng Pikit ng biglang may huminto na isang motorsiklo sakay ang dalawang salarin.
Dito na pinagbabaril ang dalawang biktima na agad isinugod sa ospital pero idineklara ding dead-on-arrival.
Inaalam na Pikit Municipal Police Station kung ano ang motibo at pagkakakilanlan sa mga salarin. —sa panulat ni Angelica Doctolero