Nasabat ng pulisya, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at Rural Health Unit ang dalawang toneladang gamit na surgical gloves sa apartment sa isang subdibisyon sa Tanza, Cavite.
Ayon kay SSgt. Si Jonathan Lagario, apat na apartment units ang pinaglakan ng gamit na mga surgical gloves kung saan makikita na may bakas pa ng mga dugo at gamot ang ilan sa mga ito.
Samantala, arestado naman ang dalawang suspek na sina Ernest Latuan, 31 at ang helper nito na si Marlon Cenizal, 21 na kapwa kumakaharap sa kaso na paglabag sa RA 9003 o Ecological Waste Management Act at RA 6969 o Act to Control Toxic Substances And Hazardous Waste.
Kaugnay nito, hindi pa rin malinaw kung saan nakuha at dadalhin ng mga suspek ang mga gamit na surgical gloves at patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.