Pinasabugan ang dalawang tore ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Mindanao.
Ayon sa Grid Operator, unang pinasabog ang Tower 25 sa Brgy. Gandamatu, Ramain sa Lanao del Sur na nasa bahagi ng Kibawan – Kabakan 138 kv line.
Sinundan naman ito ng pagpapasabog sa tower 95 na nasa Brgy. Aroman, Carmen North Cotabato na nasa bahagi ng Kibawan – Kabakan 138 kv line 1 at line 2.
Dahil dito, 58 megawatts ang nawala sa suplay ng kuryente na lalo pang nagpapalala ng kakulangan ng kuryente sa rehiyon.
Hindi naman natukoy kung anong grupo ang nasa likod ng pagsabog.
By Rianne Briones