Muling binuksan ng Department of Tourism (DOT) ang dalawa sa mga kilalang tourist spots sa Intramuros sa Maynila matapos maisailalim sa general community quarantine (GCQ) ang NCR Plus.
Ipinabatid ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na limitado lamang ang maaaring makapasok sa Fort Santiago at Baluarte De San Diego kung saan iniklian din nila ang operasyon nito sa ilalim ng strict and safety guidelines.
Bukas mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi ang Fort Santiago at alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ang operational ang Baluarte De San Diego.
Una nang inihayag ng Inter-Agency Task Force (ITAF) na maaari nang mag-operate ang tourist attractions sa 30% ng venue capacity nito, subalit kailangan pa ring i-obserba ang health and safety protocols.