Inaasahang darating na ngayong buwan hanggang sa unang linggo ng September ang dalawa sa siyam na train sets na binili ng Pilipinas sa Indonesia.
Ayon kay PNR General Manager Junn Magno, hinihintay na lamang nila ang commissioning at kung maganda ang panahon ay makapag unload na sila ng train sets.
Ang pito pang train sets aniya na maide deliver hanggang Disyembre ay binili ng PNR sa PT Industri Kereta Api sa halagang halos tatlong bilyong piso.
Ipinabatid pa ni Magno na ilang lumang tren nila ay patuloy na sumasailalim sa rehabilitasyon.
Target ng PNR na makakuha ng 14 na train set hanggang sa katapusan ng 2019 para makapagsilbi sa 120,000 pasahero kada araw mula sa kasalukuyang 50,000 para sa byahe nito mula Tutuban sa Maynila hanggang sa Calamba sa Laguna.