Nagkakaisang ipinasa ng mga senador sa Estados Unidos ang $2-trilyon na pondo bilang tugon sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa harap ito ng pagpalo na sa 1,000 katao ng death toll at 68,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Pinangangambahang sumunod sa Wuhan ang New York City bilang bagong epicenter ng coronavirus pandemic.
Dinala na ang panukala sa House of Representatives kung saan inaasahang ipapasa nila ito hanggang bukas para malagdaan na ni U.S. President Donald Trump.
Sa ilalim ng monster package, pagkakalooban ng tig-$3,400 na ayuda ang average American family na may apat kataong myembro.
May $500-bilyon ring ayuda para sa mga maliliit na negosyo at core industries kasama na ang 50-bilyon para sa airlines at mga empleyado nito.
Nakapaloob rin sa package ang $100-bilyong ayuda para sa mga ospital.