Nailigtas na ang dalawa sa labing anim na Pilipinong tripulanteng nawawala mula sa lumubog na South Korean vessel na Stellar Daisy, sa Atlantic ocean, malapit sa Uruguay.
Ayon kay navy spokesman Gaston Jaunsolo, nakita ng apat na barko sa lugar ang tatlong balsa na sinakyan ng mga nailigtas.
Ang Stellar Daisy ay isang uri ng very large ore carrier na mayroong kakayanan na magdala ng dalawang daan at animnapung libong tonelada.
Sakay ng barko ang 16 na Pilipino at walong Koreano, nang maganap ang aksidente.
By Katrina Valle